VIRAL ngayon sa social media ang kuha sa CCTV kung saan makikita ang ginawang pambababoy ng mga guest sa isang resort sa LAGUNA na kanilang nirentahan.
Sa post ng isa sa may-ari ng resort na si Desiree Manalang, inilabas nito ang hinanakit sa mga nag-renta sa Jeremias Triplex by AN&KD sa Calamba.
Ayon kay manalang, itinapon sa swimming pool ang water dispenser, upuan, lamesa, at maging ihawan at mga bote ng alak.
Inilabas naman ng isa pa sa mga may-ari ng resort na si Kath Llarenas ang kuha ng CCTV kung saan nakita na apat na lalaki ang gumawa ng pambababoy sa resort.
Kinilala itong sina Alex Perez, Mernard Tornea, Kenneth Dizon at John Carlo Nery.
Ayon kay Llarenas, hanggang tanghali ng martes, Aug. 16, sina Dizon at Nery ay nakipag-ugnayan na sa kanila habang ang dalawa ay hindi pa.