NAGHAIN si Northern Samar 2nd District Rep. Edwin Ongchuan ng resolusyon na humihimok sa mga ahensya ng pamahalaan na humanap ng ibang paraan para maibsan ang epekto ng tumataas na singil sa kuryente sa mga consumer na nasa Off-Grid communities.
Inihain nina Ongchuan, vice chair ng House Committee on Energy, at Abang Lingkod Party-list Rep. Eulogio Rodriguez, ang House Resolution No. 883 bilang tugon sa lumolobong power rates dulot ng pagsipa ng global fuel prices.
Mga tsuper at commuter sa Leyte, nagpakita ng katatagan sa kabila ng tumataas na presyo ng langis
1 Calbayognon, Hinirang Bilang kauna-unahang King of Albay Ultra
PNP Eastern Visayas, naglunsad ng libreng sakay sa gitna ng transport strike
Calbayog LGU, pinaplantsa na ang mga paghahanda para sa Visita Iglesia 2026
Sa Northern Samar, ang mga komunidad gaya ng San Vicente, San Antonio, Capul, at Batag Island ay kabilang sa mga direktang naaapektuhan ng tumataas na singil sa kuryente dahil sa kanilang Off-Grid status.
Sa ilalim ng kasalukuyang polisiya ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang pagtaas ng fuel costs ay ipinapasa sa mga consumer sa pamamagitan ng cost-recovery mechanism.
Nagdudulot ito ng mas mataas na electricity bills sa SPUG areas, dahilan para mahirapan pa ang mga sambahayan at maliliit na negosyo na may nahaharap na sa economic challenges.
