PATAY ang isang pulis habang isa pa ang nasugatan sa pagliligtas sa dalawang kinidnap na Chinese sa Angeles City sa Pampanga.
Ayon sa PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), dinala sina Police Master Sergeant Eden Acad at Police Staff Sergeant Nelson Santiago sa Angeles University Foundation Medical Center sa Angeles City.
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Gayunman, idineklarang dead on arrival si Santiago.
Batay sa Police Report, dalawang tsino ang dinukot sa Ayala Ave. sa Quezon City at dinala ng mga kidnapper sa Angeles ang mga biktima saka nag-demand ng 500,000 yuan o 8 million pesos na ransom.
Nagresulta naman sa madugong engkwentro ang operasyon ng PNP-AKG personnel.
Nailigtas ang dalawang biktimang Chinese habang naaresto rin ang dalawang suspek na tsino.