PINADALHAN ng subpoena ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.
Ito ay kaugnay sa reklamong inciting to sedition at inciting to rebellion na inihain laban sa kongresista ng PNP-CIDG.
Sarah Discaya, walang dalaw mula sa pamilya noong Pasko – BJMP
Bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, lagpas na sa 100 – DOH
Dating Executive Secretary Lucas Bersamin, itinangging siya ang “ES” na tinukoy sa “cabral Files”
Final version ng 6.793-Trillion Peso Budget para sa taong 2026, aprubado na ng BICAM
Batay sa subpoena ay inaatasan ang mambabatas na humarap sa preliminary investigation na itinakda sa November 18 at 25, alas tres ng hapon sa Justice Cecilia Muñoz Palma Hall, DOJ Building sa Quezon City.
Binigyan na din ng kopya ng reklamo si Barzaga para makapagsumite siya ng counter-affidavit.
Nakasaad sa subpoena na kung maghahain ng motion to dismiss ang kampo ng kongresista ay hindi ito tatanggapin ng piskalya at sa halip ay tanging counter-affidavits lamang ang dapat nitong isumite.
