Lumobo ang cash remittances noong Hulyo bunsod ng nadagdagang pera na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya sa bansa sa gitna ng tumaas na inflation.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ang pinakamataas na remittances simula noong Disyembre na karaniwang mas marami ang ipinadadalang pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya.
Tumaas ng 2.6% o sa 2.99 dollars ang remittances na ipinadala sa mga bangko noong hulyo, kumpara sa 2.92 dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.