SUSUSPINDIHIN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang rehabilitasyon sa EDSA ngayong Holy Week.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang gagawin lang muna nila ay maglalagay ng detour bridges na southbound at northbound.
Aniya, kapag natapos na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting at saka nila kukumpunihin ang dalawang istruktura.
Inihayag ni Bonoan na posibleng simulan ng ahensya ang kanilang operasyon sa May 15, pagkatapos ng midterm elections.