23 November 2024
Calbayog City
National

Radio Anchor, pinatay habang nagpo-programa nang naka-livestream sa Misamis Occidental

PATAY ang isang Radio Anchor makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin habang nagla-live broadcast sa kanyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental.

Ang limampu’t pitong taong gulang na biktima na kinilalang si Juan Jumalon, alyas “Johnny Walker”, ay nasa kanyang home-based radio station, sa Barangay Don Bernardo A. Neri nang malapitan itong barilin.

Sa inisyal na impormasyon mula sa PNP, nangyari ang krimen, 5:35 ng umaga kahapon habang nasa kalagitnaan ng kanyang programa si Jumalon sa 94.7 Calamba Gold FM.

Nakasaad din sa Police report na nagtungo ang suspek sa bahay ni Jumalon para umano sa importanteng anunsyo na kailangang i-ere sa istasyon ng radyo, subalit nang makapasok ay bumunot ito ng baril saka pinaputukan ang biktima na tumama ang bala sa ibabang labi nito at tumagos sa likod ng ulo. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, pati na ang motibo sa krimen.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *