LABINTATLONG mga batang mag-aaral ang nasawi sa South Africa makaraang sumalpok ang sinasakyang minibus sa isang truck sa Johannesburg City.
Ayon sa Local Education Authority, labing isa sa mga biktima ay dead on the spot habang ang dalawang iba pa ang binawian ng buhay sa ospital bunsod ng mga tinamong pinsala sa katawan.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Mayroon ding dalawang iba pa na nananatiling nasa kritikal na kondisyon. Batay sa police report, bumangga ang minibus sa kasalubong na truck matapos mag-overtake sa dalawang sasakyan.
