MAARI nang magpatuloy si Los Angeles Superstar Lebron James sa pagba-basketball at ire-reevaluate ng Team Physicians sa loob ng isa hanggang dalawang Linggo, ayon sa koponan.
Ito’y matapos ma-diagnose si James na may Sciatica sa kanyang Right Side noong nakaraang buwan.
ALSO READ:
Ang Sciatica ay sakit o pagkirot sa Sciatic Nerve na bumababa sa Lower Back hanggang sa binti.
Sa kabila ng hindi paglalaro ni James, nanalo ng limang sunod na Games ang Lakers, na may 7-2 Standing simula nang magbukas ang NBA Season.
Hindi pa nasisimulan ng kwarenta anyos na All-Time Leading Scorer ang kanyang 23rd NBA Season, kabilang ang ika-walong Season sa Los Angeles.




