KINILALA ang Calbayog City ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 8 bilang isa sa Calendar Year 2025 Local Governance Champions.
Ito ay sa ilalim ng Regional Champions of Good Local Governance (RCGLG).
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Ayon kay Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman, ang naturang pagkilala ay repleksyon ng pinasama-samang pagsisikap.
Mula aniya ito sa mga opisyal ng lungsod, mga empleyado, at bawat Calbayognon, na patuloy na naniniwala sa mabuti at tapat na pamamahala.
