TATLUMPU’T anim ang patay makaraang lumihis at mahulog sa malalim na bangin ang isang luma at overcrowded na bus sa India.
Ayon kay Deepak Rawat, Senior State Government Official, nasa animnapung katao ang lulan ng bus nang mangyari ang aksidente sa Almora District, sa Uttarakhand.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Posibleng tumaas pa umano ang bilang ng mga nasawi dahil pito sa mga pasaherong nasugatan ang nasa kritikal na kalagayan.
Ang India ay isa sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga nasasawi sa buong mundo dahil sa mga aksidente sa kalsada, na isinisisi sa kawalan ng ingat sa pagmamaneho, hindi magandang kondisyon ng mga kalsada, at lumang mga sasakyan.
