INIUTOS ni Public Works Secretary Vince Dizon na madaliin ang konstruksyon ng nakatenggang Udalo Bridge sa bahagi ng Abra de Ilog-Puerto Galera Road sa Occidental Mindoro.
Mayroon na lamang natitirang twenty-five linear meters na kailangang tapusin sa tulay.
ALSO READ:
Kapag natapos ang tulay, hindi na kailangang tumawid sa ilog ang mga residente.
Nag-aalala ang kalihim na mas mahirap ang magiging sitwasyon ng mga residente sa lugar kapag sumapit na ang tag-ulan.
Maliban sa hindi pa tapos na tulay, sinabi ni Dizon na tatapusin din ng ahensya ang halos pitong kilometrong putol na bahagi ng Mindoro Circumferential Road.




