OPISYAL nang kinumpirma ng supermodel na si Gigi Hadid ang kanyang relasyon sa Hollywood actor na si Bradley Cooper.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang umingay ang kanilang dating rumors noong 2023, inamin ni Hadid ang kanyang relasyon kay Cooper na inilarawan niya bilang “very romantic and happy.”
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa kabila naman ng 20-year age gap, binigyang diin ng supermodel na labis siyang na-inspire ng aktor at mataas ang kanyang respeto rito.
Samantala, inihayag din ni Hadid na puno ng “love, and a feeling of camaraderie” ang co-parenting set-up nila ni Zayn Malik na ama ng kanyang apat na taong gulang na anak na babae na si Khai.
