SUMIKLAB ang Wildfire sa Aude Region ng France, malapit sa Border ng Spain.
Ayon sa Fire Brigade, nilamon ng naglalagablab na apoy ang nasa apatnalibo limandaang ektarya ng kagubatan.
ALSO READ:
Mahigit 180 katao, patay sa malawakang air strikes ng Israel sa Lebanon
Emergency alert, itinaas sa Japan dahil sa hinalang missile launch mula North Korea
Intelligence head ng revolutionary guards ng Iran, patay sa US-Israeli airstrikes
China, handang makipagtulungan sa Russia para maibsan ang tensyon sa Gitnang Silangan
Sinabi ng tagapagsalita ng Civil Protection Agency na mahigit isanlibo dalawandaan at limampung mga bumbero ang idineploy sa lugar.
Inihayag ni President Emmanuel Macron sa X, na nagpapatuloy ang Wildfire, subalit ginagamit ng pamahalaan ang lahat ng kanilang resources para apulahin ang apoy.
Sa impormasyon mula sa Deputy Prefect sa Aude, dalawa katao ang nasugatan, kabilang ang isa na nasa seryosong kalagayan.
