ISINAMA ng Gilas Pilipinas sa kanilang lineup sina AJ Edu at Jamie Malonzo laban sa Chinese Taipei para sa February window ng Fiba Asia Cup Qualifiers na magsisimula ngayong Huwebes.
Kahapon ay pinangalanan ng Samahang Basketbol Ng Pilipinas (SBP) ang 12-man lineup ng pambansang koponan.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Ito ang unang pagsabak ni Edu sa Asia Cup Qualifiers matapos hindi makapaglaro sa unang dalawang windows bunsod ng injury.
Si Malonzo naman ay magbabalik matapos hindi makapaglaro noong Nobyembre dahil din sa injury.
Pagkatapos ng laro ngayong araw ng Gilas kontra Chinese Taipei ay lilipad sila patungong New Zealand para kanilang match sa linggo ng umaga.
Sigurado na ang Pilipinas sa spot sa Fiba Asia Cup na gaganapin sa Saudi Arabia sa agosto.
