MAGSASAMPA ng reklamong cyberlibel si dating Senador Antonio Trillanes IV, kasunod ng akusasyon na tumanggap ng pera si Trillanes mula kay dating Congressman Zaldy Co para mapondohan ang ICC investigators.
Ayon kay Trillanes, hindi totoong tumanggap siya ng two million US dollars o kahit na magkano mang halaga mula kay Co.
Ang akusasyong ito, aniya, ay layong i-discredit ang nagpapatuloy na ICC proceedings laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na kakasuhan ni Trillanes sina Atty. Levi Baligod, dating Congressman Mike Defensor, dating brodkaster na si Jay Sonza at labingwalong dating sundalo.




