23 August 2025
Calbayog City
Sports

Kai Sotto, balik Koshigaya sa B.League habang nagpapatuloy sa kanyang Recovery

BUMALIK si Kai Sotto sa Koshigaya Alphas sa Japan B. League habang nagpapatuloy sa kanyang recovery mula sa ACL injury.

Ibinahagi ng Gilas Pilipinas Center ang litrato ng kanyang Non-Contact Training na senyales ng unti-unting pagbabalik sa paglalaro ng basketball.

Bumalik ang 7-foot-3 na si Sotto sa Koshigaya Camp ilang linggo bago magbukas ang B. League sa Oktubre.

Simula noong Enero ay hindi na nakapaglaro sa hardcourt ang Pinoy Cager matapos mapunitan ng ACL sa game ng Koshigaya laban sa Mikawa, dahilan kaya hindi ito nakasali sa games ng National Team at kanyang Mother Club.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).