INATASAN ni Public Works Secretary Vince Dizon ang DPWH Regional Office 8 na tutukan ang pagsasaayos ng Calbiga Bridge sa Samar na pangunahing daanan ng mga motorista at residente mula sa bayan ng Calbiga, Samar papuntang Tacloban City, Leyte.
Ayon kay Dizon, ipasusuri na ang plano ng tulay sa DPWH Central Office para masigurong hindi titipirin ang pondo para sa retrofitting.
Pinamamadali ng kalihim ang pagpapatibay sa tulay gaya ng ginagawa sa San Juanico Bridge.
Target ng DPWH na agad maibalik sa normal ang daloy ng trapiko at maitaas muli ang load limit ng Calbiga Bridge upang hindi na mahirapan ang mga motorista sa one-way traffic scheme.
Simula kasi October 2025 ay ipinatupad ang 15-ton load restriction sa naturang tulay.




