NAPILI si Lebron James para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game.
Hindi napili ang 42-year-old Los Angeles Lakers Forward bilang starter, subalit kabilang siya sa pitong reserves mula sa Eastern at Western Conferences na ginawa ng head coaches.
ALSO READ:
Filipinas, pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, makakasagupa si Laura Siegemund ng Germany sa pagsisimula ng kanyang Miami Open Campaign
Iran, maglalaro pa rin sa World Cup, ayon sa Asian Football body
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, naabot ang bagong career-high No. 29
Si James na NBA all-time scoring leader, four-time NBA Most Valuable Player at four-time NBA champion ay may average na 21.9 points, 6.6 assists, 5.8 rebounds at 1.1 steal kada laro sa 30 games para sa Lakers.
Isasagawa ang 75th NBA All-Star game sa Feb. 15 sa Los Angeles, sa pamamagitan ng bagong tournament format, tampok ang isang world team at dalawang sets ng US stars, na ang bawat isa ay may roster ng walong players.
