PINAIGTING pa ng Northern Samar Provincial Government ang mga hakbang upang maiwasan at makontrol ang pagkalat ng african swine fever (ASF) sa hog farms.
Ito’y matapos mapaulat ang labing apat na kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit sa mga baboy sa tatlong bayan sa naturang lalawigan.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sinabi ni Provincial Agriculture Officer Jose Luis Acompañado, na naglunsad sila ng field surveillance sa mga bayan kung saan mayroong napaulat na hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy.
Aniya, bahagi ito ng kanilang mas malawak na istratehiya upang makontrol ang potential outbreaks at matiyak na makatatanggap ang mga lokal na magsasaka ng napapanahong suporta at science-based disease management.
Batay sa laboratory findings, inihayag ni Acompañado na siyam ang kumpirmadong kaso ng ASF sa Las Navas, tatlo sa Catubig, at dalawa sa Laoang.
