MAGSASAGAWA ng karagdagang pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways sa right lane ng EDSA Magallanes Flyover – Southbound.
Ayon sa DPWH – National Capital Region, tatagal ang repair works hanggang umaga ng April 13.
ALSO READ:
Pansamantalang isasarado ang mga working areas sa right lane ng flyover, habang mananatili namang bukas sa trapiko ang left lane sa bahagi ng southbound.
Sinabi ng DPWH na sasamantalahin nito ang paparating na long weekend upang tapusin ang pagkukumpuni sa flyover.
Bahagi ng repair works ang pagsasaayos sa flyover, sidewalk improvement, at paglalagay ng thermoplastic lane markings.
Noong Holy Week, sinimulan ng DPWH ang rehabilitasyon sa naturang kalsada.




