TARGET ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mamahagi ng 9,000 Fuel Subsidy Cards sa mga mangingisda na may motorized boats sa Eastern Visayas upang mapagaan ang impact ng paglobo ng presyo ng petrolyo.
Sa ilalim ng Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk Program (FDPFFP), bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng fuel card na nagkakahalaga ng 3,000 pesos na maaaring gamitin sa pagbili ng langis sa partner gasoline stations.
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Pagkukumpuni sa 2 tulay sa Eastern Samar, pinabibilisan sa DPWH ng Provincial Government
Nagsimula ang distribusyon ngayong Marso at ang goal ay ma-release ang lahat ng cards sa Abril.
Ayon kay Cristine Gresola, BFAR Regional Information Officer, ang distribution ng cards ay bahagi ng pagsisikap ng kanilang ahensya na maipamahagi ang mahigit 23,000 fuel cards sa municipal fisherfolk sa rehiyon.
Batay sa datos ng BFAR, mahigit 17.8 million pesos na halaga ng fuel assistance ang naipamahagi na sa 14,341 na mga mangingisda sa Eastern Visayas.
