Pinaulanan ng bala ng isang gunman ang US Embassy sa Lebanon, na ikinasugat nito makaraang makipagbarilan sa mga otoridad.
Ayon sa Lebanese army, nasakote ang isang Syrian national at dinala sa ospital para malapatan ng lunas habang tinutugis pa ng mga sundalo ang isa pa umanong suspek.
ALSO READ:
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
Inihayag ng isang Lebanese security source na nabaril ng mga sundalo sa tiyan ang gunman habang isang miyembro ng security team ng embassy ang bahagyang nasugatan.
Naglatag din ang Lebanese security forces ng checkpoints sa paligid ng embahada habang isang US-made helicopter ang ipinagamit sa Lebanese army para magmasid mula sa himpapawid.
