NAGKASAMANG muli sina Demi Moore at Whoopi Goldberg, mga headliner ng 80’s hit movie na “Ghost” sa red carpet ng Oscars.
Sa X, nag-viral ang footage ng dalawang aktres nang mainit nilang batiin ang isa’t isa na naturang event.
ALSO READ:
Nagpakuha rin sila ng mga larawan sa mga mamamahayag na masiglang idinokumento ang muli nilang pagkikita.
Suot ni Whoopi ang structural off-shoulder gown ni Christian Siriano habang si Demi ay naka-armani dress.
Nominated si Demi para sa best actress category para sa kanyang pagganap sa “The Substance” kung saan nasungkit niya ang unang acting award sa the Golden Globes.