NAKABALIK ang Pilipinas sa ASEAN championship semifinals.
Ito’y matapos talunin ng Philippine Men’s National Football Team ang Indonesia, sa score na 1-0, sa harap ng Indonesian crowd sa Manahan Stadium sa Surakarta.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Naipasok ni Bjorn Kristensen ang nag-iisang goal sa 63rd minute ng match.
Labing isang minuto ang nadadag sa laro subalit pinanindigan ng Pilipinas ang pag-angkin sa unang panalo ng pambansang koponan sa torneyo.
Sapat na ang nag-iisang goal ni Kristensen para sa Pilipinas para makuha ang 3 points at pumangalawa sunod sa Group B leader na Vietnam, na mayroong 3-1-0 record sa ASEAN Mitsubishi Electric cup.
Huling nakapasok ang Pilipinas sa ASEAN Championship Semis noong 2018.
