UMUSAD ang Filipino Gymnast na si Karl Eldrew Yulo sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup sa Egypt.
Na-secure ni Yulo ang spot sa Floor Exercise Finals, kahapon, matapos mag-fifth place noong Biyernes sa Qualifying Round sa score 13.900.
ALSO READ:
Sinundutan niya ito ng isa pang malakas na performance noong Sabado, at pumangatlo sa Horizontal Bar Qualifiers sa score na 13.466 para makapasok sa Finals ngayong Lunes.
Si Yulo ay kagagaling lamang sa gold medal performance sa floor exercise sa Antalya Leg ng Gymnastics World Cup noong nakaraang buwan.




