INILUNSAD ng Local Amnesty Board (LAB) sa Tacloban City, sa pakikipagtulungan ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army, ang Amnesty Orientation and Application Caravan, sa Peace and Prosperity Village, sa Barangay Daja Daku, sa San Isidro, Leyte.
Ang naturang event ay itinaon sa anibersaryo ng National Amnesty Proclamation at bahagi ng 100-day countdown bago ang deadline sa paghahain ng aplikasyon.
Hinimok ni Col. Rico Amaro, Deputy Commander ng 80nd IB, ang mga dating rebelde at iba pang eligible individuals na samantalahin ang programa ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Amaro ang kanilang papel upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at suportahan ang reintegration.
Ang aplikasyon para sa amnestiya ay tatanggapin hanggang sa March 13, 2026.
Ang Peace and Prosperity Village ay isang Resettlement Site, na nagsisilbing bagong tahanan ng mga rebelde na nagbalik loob sa gobyerno para makapamuhay ng normal at yakapin ang kapayapaan at kaunlaran.




