Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang puganteng South Korean na sangkot sa telecommunications fraud sa Mabalacat, Pampanga.
Kinilala ng BI ang inaresto na si Kang Hee Woo, trenta’y singko (35) anyos, na umano’y high-ranking member ng Younghae-Han Telecom fraud syndicate.
Ang naturang grupo ay inakusahang nanloko ng mga biktima sa pamamagitan ng voice phishing operations na nagkakahalaga ng mahigit 1 billion won o 740,000 dollars.
Si Kang ay kasalukuyang subject ng 2021 InterPol Red Notice at mayroong outstanding arrest warrants na inisyu ng Seoul Central District Court at Seoul Dongbu Central District Court sa South Korea.