ISINAILALIM sa state of calamity ang Puerto Princesa City, sa Palawan, bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng shear line.
Sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit ng city disaster risk reduction and management council ang 86 million pesos mula sa quick response fund para sa disaster response operations, partikular sa mga biktima ng baha.
ALSO READ:
Truck na nahulog sa ilog sa Mt. Province, pumatay ng 3; 2, pinaghahanap pa
Taal Volcano sa Batangas, ilang beses pumutok sa nagdaang Weekend; Alert Level 1, nananatili
15 estudyante sa Padada, Davao Del Sur, isinugod sa ospital dahil sa Fatigue at gutom
2 patay sa pagsabog sa gawaan ng paputok sa Bulacan
Mahigit tatlunlibong pamilya o pitunlibo siyamnaraang indibidwal ang naapektuhan ng baha sa Puerto Princesa City.
Una nang napaulat ang pagkasawi ng lima katao matapos tangayin ng rumaragasang baha ang kanilang sasakyan noong linggo.
