24 March 2026
Calbayog City
National

Publiko, pinagtitipid sa konsumo sa kuryente ngayong ganap nang nagsimula ang summer

KASABAY ng deklarasyon ng PAGASA sa pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-init sa bansa, hinikayat ng Meralco ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.

Kapag ganitong panahon, normal nang tumataas ang demand sa kuryente, na nangangahulugan din ng pagtaas ng konsumo at bayarin.

Ayon sa Meralco, ngayong nagsimula na ang summer season, dapat maging masinop at matalino sa paggamit ng kuryente.

Mas kinakailangan ngayon ang pagtitipid ayon sa Meralco, lalo na at nagpapatuloy pa ang tensyon sa Gitnang Silangan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.
Listen Live