21 March 2026
Calbayog City
National

Publiko pinag-iingat sa alok na P8.5K na cash aid sa Facebook Messenger

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development sa publiko laban sa kumalakalat na mensahe sa Facebook na nangangako ng 6,500 hanggang 8,500 pesos na cash aid.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ipinakakalat ang scam messages sa pamamagitan ng SMS o kaya ay sa FB Messenger kung saan hinihingi ang personal na impormasyon ng mga target na biktima. 

May mga pagkakataon din ayon kay Dumlao na naa-access ang GCash Account ng mga biktima at doon nalilimas ang laman ng kanilang e-wallet. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.