22 November 2024
Calbayog City
National

Publiko hinimok na huwag magsama ng mga bata sa sementeryo

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag magsama ng mga bata sa pagdalaw sa sementeryo ngayong undas upang hindi sila makakuha ng anumang uri ng sakit.

Sa isang pahayag, pinaalalahanan ni DOH Secretary Teodoro Herbosa ang mga magulang na iwasang magsama ng maliliit na bata, dahil mahina pa ang resistensya ng mga ito laban sa impeksyon bunsod ng siksikan, mainit na panahon, at biglaang pag-ulan.

Binigyang-diin din ng kalihim ang tumataas na kaso ng Covid-19 sa bansa, na patuloy na banta sa kalusugan ng bawat indibidwal.

Pinayuhan din ni Herbosa ang mga magtutungo sa mga sementeryo na planuhin ang kanilang lakad, at magdala ng sariling pagkain at inumin upang matiyak ang kaligtasan at maiwasang magkasakit.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *