SA pagsalubong sa bagong taon, kasabay ding ginugunita ng Department of Environment and Natural Resources ang National Zero Waste Month.
Hinikayat ng DENR-NCR, ang publiko na makiisa sa paggunita ng Zero Waste Month at maging responsible sa pagtatapon ng basura.
ALSO READ:
Kabilang din sa mga dapat gawing hakbang ang waste reduction sa pamamagitan ng pagre-recycle.
Sa pamamagitan nito sinabi ng DENR na makakamit ang cleaner at greener future.
Paalala din ng DENR, sa pagsisimula ng 2026, sama-samang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan tungo sa mas maayos na kinabukasan para sa lahat.




