NAPILI si Cardinal Luis Antonio Tagle na maging bahagi ng temporary panel, na binubuo ng Camerlengo at dalawa pang kardinal, na in-charge sa ilang paghahanda para sa Conclave na itinakda sa May 7.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasama si Tagle sa “particular congregation” na isa sa dalawang lupon na nangangasiwa sa administrasyon ng simbahan tuwing “Sede Vacante” o Bakante sa Holy See.
Ang isa pa na tinatawag na “General Congregation” ay kinabibilangan naman ng lahat ng miyembro ng college of cardinals.
Napili rin sa particular congregation, kasama ni Tagle sina German Cardinal Reinhard Marx at French Cardinal Dominique Mamberti.