INANUNSYO ng National Football League (NFL) na pangungunahan ni Grammy-Winning Puerto Rican Rapper Bad Bunny ang Super Bowl Halftime Show sa susunod na taon.
Tinuldukan nito ang espekulasyon na naka-line up si Taylor Swift para sa American Football Showpiece.
Si Bad Bunny na una nang nagbitaw ng salita na hindi siya magpe-perform sa Amerika sa kanyang World Tour simula sa Nobyembre bunsod ng Concerns sa US Immigration Raids sa kanyang Concerts, ay magtatanghal sa Super Bowl sa Santa Clara, California, sa February 8.
Sa Statement na ni-release ng NFL, sinabi ng Puerto Rican rapper na ang kanyang desisyon ay para sa mga taong nais siyang panoorin, at gagawin niya ito para sa kanyang mga kababayan, kultura, at kanilang kasaysayan.
Karaniwan nang malalaking pangalan sa Music World ang nagtatanghal sa Super Bowl Halftime Shows, gaya nina Michael Jackson, The Rolling Stones, Madonna, Bruce Springsteen, Prince, at Paul McCartney.
Kabilang naman sa huling performers ay sina Beyonce, Jennifer Lopez, Justin Timberlake, Snoop Dogg, Mary J. Blige, at Kendrick Lamar.




