IBINIDA ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Eastern Visayas na nalagpasan nila ang National ID Registration target.
As of Oct. 31, 2024, kabuuang 4,164,406 individuals ang nag-parehistro, lagpas sa regional target na 4,151,168 o 100.3 percent accomplishment.
Batay sa PSA data, apat na lalawigan sa rehiyon, na kinabibilangan ng Leyte, Northern Samar, Samar, at Biliran, ang lumagpas sa kanilang target.
Samantala, naabot ng Southern Leyte ang 97.9 percent completion habang mayroong 96.7 completion ang Eastern Samar.
Inihayag ni PSA Regional Director Wilma Perante, na pinaiigting ng kanilang opisina ang registration efforts sa Southern Leyte at Eastern Samar upang maabot ang 100 percent coverage.