PAPAYAGAN ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagdaan sa EDSA ng mga provincial bus ngayong Semana Santa.
Ayon sa MMDA, mula alas 9:00 ng gabi ng April 1 hanggang alas 6:00 ng umaga ng April 6 ay puwedeng dumaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses.
Ang utos na ito ng MMDA ay bunsod ng inaasahang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.
Sa pamamagitan nito, sinabi ng MMDA na mas mapapabilis ang turnaround time ng mga bus at magiging tuloy-tuloy ang kanilang biyahe.




