5 July 2024
Calbayog City
National

Presyo ng mga produktong Petrolyo, tumaas sa ikatlong magkasunod na linggo;  LPG, may dagdag-presyo rin!

SA IKATLONG magkasunod na linggo, tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo, epektibo ngayong Martes ng umaga.

Nadagdagan ng 95 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

65 centavos naman ang itinaas sa kada litro ng diesel.

Habang  35 centavos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng kerosene. (DDC)

Samantala, tumaas din ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong Hulyo.

Kahapon ay ipinatupad ng petron corporation ang dagdag-presyo sa kanilang cooking gas na limampu’t limang sentimos kada kilo.

Ibig sabihin, nadagdagan ng anim na piso at limang sentimos ang presyo ng regular na 11-kilogram na tangke ng LPG.

Ayon sa Oil Company, repleksyon ito ng international contract prices ng lpg para sa buwan ng Hulyo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).