NAKATAKDANG bumisita sa bansa sa susunod na linggo si Indonesian President Prabowo Subianto.
Ayon sa ulat, ang pagbisita ng Indonesian President ay sa layong ipagpatuloy ang pagsusulong ng mas maigting na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang tentative na schedule ng pagdating sa bansa ni Prabowo ay mula March 26 hanggang 27.
Wala pa namang detalyeng inilalabas ang Malakanyang hinggil sa pagdating sa bansa ng opisyal. Noong October 2024 ay dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ni Prabowo sa Jakarta.




