KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang presensya ng nakalalasong Red Tide sa Coastal Waters ng Zumarraga sa lalawigan ng Samar.
Dahil dito, itinaas ng BFAR ang Local Red Tide Warning upang mahigpit na paalalahanan ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta, o pagkain ng anumang uri ng shellfish, kabilang na ang alamang.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Inaasahang mapapabilang ang naturang katubigan sa National Shellfish Bulletin o mga lugar na may kumpirmadong presensya ng Red Tide na nakikita sa pamamagitan ng Laboratory Examinations sa Shellfish Meat Samples.
Kabilang sa Latest National Bulletin ay ang Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.
Una nang itinaas ang Local Red Tide warning sa Cancabato Bay sa Tacloban City at Irong-Irong Bay sa Catbalogan City sa Samar.
