3 July 2024
Calbayog City
Business

Prangkisa ng mga palpak na kooperatiba, nais ipakansela ng ilang mambabatas 

palpak
Photo Courtesy: congress.gov.ph

Naghain ng resolusyon si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo upang agad na magsagawa ng imbestigasyon para rebyuhin at posibleng ikansela ang mga prangkisa ng mga palpak na electric cooperative sa bansa.

“Panahon na upang silipin natin ang pangit na serbisyo ng ilang mga power companies na ito sa pamamagitan ng pag-rebyu ng mga prangkisa nila, pagkansela kung kinakailangan, at pagpasok ng mga bagong power players sa lugar,” giit pa ni Tulfo.

Ayon sa mambabatas, inihain ang resolusyon nang makatanggap ang kanilang tanggapan ng mga reklamo hinggil sa hindi magandang serbisyo ng mga electric cooperatives sa kanilang mga lugar.

Kasama din sa lumagda sa House Resolution 1302 ang ilan pang mga mambabatas kabilang na sina ACT-CIS party list Representatives Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap; Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.

Nais din ng mga mambabatas na papasukin ang mga bagong kooperatiba ng kuryente kapalit ng mga tatanggalan ng prangkisa.

“The dismal performance of these electric cooperatives underscores the need to explore alternatives, such as the establishment of new electric cooperatives or other models for the provision of electricity in these areas, to address the long-standing issues that have plagued the residents and businesses,” ayon sa resolusyon ng mga mambabatas.

Iginiit pa ng mga mambabatas na naghain sila ng resolusyon para agad na maimbestigahan at marebyu ang prangkisa ng mga electric cooperative na matagal nang inirereklamo ng publiko. (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *