PANSAMANTALAGANG nakalaya mula sa kulungan ang vlogger na si Francis Leo Marcos na ang totoong pangalan ay Norman Mangusin, matapos magpiyansa ng 120,000 pesos, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni BJMP Spokesperson Jayrex Bustinera na naglabas ang korte ng Release Order matapos maglagak ng piyansa si Mangusin.
Ipinatupad ng Parañaque City Jail ang Release Order, kasabay ng pagbibigay-diin na walang ibang pending na reklamo o kaso laban sa vlogger.
Ang 120,000 pesos na piyansa ay para sa 12 counts ng unjust vexation ng isang kapwa vlogger.




