8 March 2026
Calbayog City
Overseas

Pope Francis, nananatiling stable; walang naranasang bagong breathing crisis, ayon sa Vatican

NASA stable na kondisyon si Pope Francis na mahigit dalawang linggo nang nasa ospital dahil sa double pneumonia, at walang naranasan pang breathing crises, ayon sa Vatican.

Noong Biyernes ay nakaranas ang walumpu’t walong taong gulang na Santo Papa ng paninikip ng respiratory airways, na posibleng dulot ng asthma attack, kaya marami ang nag-alalang muli sa kanyang kalagayan.

Inihayag ng Vatican noong Sabado na walang lagnat si Pope Francis at walang senyales na tumaas ang kanyang white blood cell count.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).