Bahagya nang bumuti ang pakiramdam ni Pope Francis habang nagpapagamot pa din ito sa ospital.
Ayon sa update mula sa Holy See Press Office, wala nang lagnat ang Santo Papa at nananatiling stable ang kaniyang hemodynamic parameters.
Ayon kay Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, “focal pneumonia” ang tumama sa Santo Papa at hindi widespread pneumonia.
Nananatili ding table ang kaniyang puso. Isang lingo nang naka-admit sa Agostino Gemelli Hospital sa Rome ang Santo Papa.