HALOS 300 graduating senior high school students sa Leyte provinces ang na-hire on the spot sa job fairs na inilaan para sa Grade 12 completers, ayon sa Regional Office ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Halos 700 na aplikante ang dumagsa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ginanap sa Baybay City at Hinunangan, Southern Leyte, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Kahalagahan ng Laoang Islets sa ancient trade, binigyang-diin ng National Museum
Ayon kay DOLE 8 (Eastern Visayas) Information Officer Norma Mae Costimiano, ito ang unang specialized job fair para sa senior high school learners, na ang layunin ay ihanda ang job seekers sa pagbibigay ng libreng pre-employment documents, skills support, at direct access sa hiring institutions.
Sinabi ni Costimiano na sa Hinunangan, mahigit 400 job seekers ang nagparehistro, na may nasa 20 ang na-hire on the spot, at karamihan ay local employment, gaya sa sales and retail.
Sa Baybay City naman, nasa 266 SHS students ang nag-participate, na may 100 percent hired-on-the-spot placement rate.
Magsasagawa ang DOLE at DepEd ng kaparehong job fairs sa Samar at Biliran ngayong taon, upang mabigyan ng oportunidad ang mga graduating students na kumita para sa kanilang pamilya.
