4 December 2025
Calbayog City
National

PNP, tiniyak ang kaayusan at kaligtasan sa Trillion Peso March

IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at tunay na kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang solidong puwersa na alerto, organisado, at magkakatuwang.

Sa gitna ng operasyon, naglatag si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ng malinaw at matibay na direksyon. Ang kanyang kalmado pero matatag na pamumuno ang nagbigay-hugis sa operasyon, at makikita sa maayos na galaw ng bawat yunit kung paanong ang kanyang gabay at disiplina ay nagpapalakas sa PNP.

Kasama ring nag-monitor si DILG Secretary Juanito Victor Remulla, na nagpatibay sa koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at pulisya. Nagbigay ito ng mas mabilis, tama, at suportadong mga desisyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).