KAKASUHAN ng Philippine National Police (PNP) ng Obstruction of Justice ang mga indibidwal na hinihinalang nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito’y makaraang ihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na sinimulan na ang full investigation, para panagutin ang mga tumulong kay Quiboloy na takasan ang mga awtoridad.
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Binigyang diin ni Marbil na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng Obstuction of Justice, at layunin ng kanilang imbestigasyon na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumulong sa pagtatago ng kontrobersyal na pastor.
Noong nakaraang linggo, Sept. 8, dakong ala sais ng gabi, nang maaresto si Quiboloy, sa loob ng KOJC Compound sa Davao City, na sinimulang galugarin ng mga awtoridad noong Aug. 24.
