INILABAS na ng PNP ang listahan ng mga posibleng pumalit kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, halos isang buwan bago matapos ang kanyang termino.
Kinabibilagan ito nina:
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
- Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., Deputy Chief for Administration
- Lieutenant General Robert Rodriguez, Deputy Chief for Operations
- Lieutenant General Edgar Alan Okubo, Chief of the Directorial Staff
- Major General Nicolas Torre III, Hepe ng Criminal Investigation and Detection Group; at
- Major General Anthony Aberin, Hepe ng National Capital Region Police Office
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Randulf Tuaño, manggaling ang listahan mula sa National Police Commission na siyang ibibigay sa pangulo at alinsunod sa Republic Act of 6975 o ang Department of the Interior and Local Government Act of 1990.
Kabilang rin anya sa mga pagpipilian ang mga most senior at qualified sa serbisyo na may ranggong Brig. General.
Matatandaang, pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng apat na buwan ang termino ni Gen. Marbil na nakatakda sanang magretiro sa serbisyo noong Pebrero a-syete.