INIREKOMENDA ng International Olympic Committee executive board na isama ang boxing sa Los Angeles 2028 Summer Olympics.
Noong nakaraang buwan ay binigyan ng IOC ng Provisional Recognition ang world boxing para sa isang malaking hakbang upang mapabilang ang naturang sport sa 2028 Olympics.
Sinabi ni IOC President Thomas Bach sa press conference, na kumpiyansa siya na aaprubahan sa sesyon ang kanilang rekomendasyon.
Pagbobotohan ito sa IOC session sa GREECE ngayong linggo at inaasahang mabilis itong maipapasa, dahil kabilang ang boxing sa mga sikat na Olympic sports.
Ang boxing competition sa Paris 2024 Games ay pinangasiwaan ng IOC makaraang alisan ng recognition noong 2023 ang Intenational Boxing Association dahil sa kabiguang magpatupad ng mga reporma sa governance at finance.