PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat, Bataan, kahapon, kung saan inaalala nito ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong tumindig para sa kalayaan ng bansa.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na hindi matutumbasan ng anumang tribute o parangal ang ipinamalas na katapangan at sakripisyo ng mga beterano.
Kaya naman tiniyak ng pangulo ang pagkakaloob ng karapat-dapat na benepisyo para sa mga war veterans.
Ayon sa pangulo, mahigit two thousand six hundred war veterans at kanilang dependents na ang nakinabang sa health care benefits na kinapapalooban ng hospitalization program.
Mahigit one hundred forty-six thousand pensioners naman ang nakatatanggap ng pensyon kada buwan, maliban pa sa mga scholarship grant na naibigay sa kanilang dependents.




